-- Advertisements --

Pinawi ni Los Angeles Lakers coach Frank Vogel ang usaping hindi paglaro ni LeBron James sa Game 2 Western Conference Finals nila ng Denver Nuggets dahil may iniinda itong ankle injury.

Ayon kay Voggel na agad na naalis ng kanilang star player ang nasabing hapdi ng nasabing injury.

Natamo nito ang injury sa Game 1 nila ng Nuggets.

Magugunitang hawak na ng Lakers ang 1-0 na kalamangan sa best of seven Western Conference Finals nila ng Nuggets.

Magugunitang mayroong average na 25.5 points, 9.9 rebounds at 9.1 assists si James sa playoffs.