-- Advertisements --

Napigilan ng Miami Heat ang tangkang comeback ng Los Angeles Clippers, 140-123.

Ipinalasap ng Heat ang 31-point dominance laban sa LAC sa pagtatapos ng 3rd quarter ngunit pinilit pa rin ng Clippers na burahin ito sa pagpasok ng 4th quarter.

Gumawa ang naturang koponan ng impresibong 41-26 run sa buong 12 mins ng laban ngunit naiwan pa rin ang 17 points na bentahe ng Miami sa pagtatapos ng regulation, daan upang malasap ng koponan ang ika-16 na pagkatalo.

Nagawa ng Miami na duminahin ang laban sa kabila ng sabay paglalaro nina Kawhi Leonard at James Harden. Dito ay gumawa si Kawhi ng 36 points ngunit tanging 11 points lamang ang nai-ambag ni Harden.

Sa panalo ng Heat, isang team effort ang ipinakita ng mga starter ng koponan na kapwa gumawa ng all-around performance.

Nagpasok ng 30 points si Heat forward Norman Powell, 27 points at 14 rebounds ang ambag ng bigman na si Bam Adebayo, at tig-22 points ang kontribusyon nina Andrew Wiggins at Bam Adebayo.

Umabot pa sa 40 points ang pinakamataas na kalamangan ng Miami bago ang 4th quarter comeback attempt ng Clipps.

Sa panalo ng Miami, nagawa ng koponan na magpasok ng 24 3-pointers at napanatili ang 52.2 3-point percentage.

Hawak ng koponan ang 14-7 win-loss record habang limang panalo pa lamang ang nagagawa ng LAC.