Masayang nag-bonding ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto sa 90th birthday celebration ng ina ni Charlie “Atong” Ang.
Ito’y sa gitna ng mga ibinabatong kontrobersiya at pag-uugnay sa magkapatid sa nasabing gambling businessman.
Ginanap ang birthday party ni Ginang Catalina Ang sa Maynila kahapon, partikular sa bagong arena na pagmamay-ari ni Atong at pormal na nagbukas noong October 14.
Kasama rin sa salu-salo ang partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco, gayundin ang ina nina “La Greta” at Claudine na si Inday Barretto, at kanilang kapatid na si Joaquin Barretto.
Ibinahagi ng 49-anyos na si Gretchen sa kanyang Instagram ang ilang litrato mula sa pagdiriwang with matching caption na “Catalina Ang celebrates 90 (birthday cake emoji) swipe left”
Maging ang 40-anyos na si Claudine ay nag-post din ng mga larawan mula sa event.
“The Best sister in the world 🥰❤️ @gretchenbarretto” saad ng bunso sa Barretto sisters.
Kung maaalala, nadawit ang pangalan ni Atong Ang matapos ibunyag ng 45-anyos na si Marjorie na limang taon itong naging karelasyon ng pamangkin na si Nicole pero inagaw lang ni Gretchen.
Pero sa bersyon ng huli, si Claudine umano ang tunay na mang-aagaw.
Una nang itinanggi ni Ang na may nakarelasyon siya sa mga Barretto kung saan sa latest interview ay muli nitong iginiit na wala siyang balak ipagpalit ang kanyang pamilya at masaya siya sa piling ng misis.