-- Advertisements --
image 51

Nagwagi bilang Best Actress sa Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) 2022 ang Filipina beauty queen at aktres na Kylie Verzosa.

Ito ay matapos niyang gampanan ang kaniyang role sa Philippine adoption ng Korean film na “The Housemaid” sa direksyon ni Roman Perez Jr.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng Miss International 2016 ang kaniyang video habang nakasuot ng isang elegant black gown bitbit ang trophy na natanggap mula sa naturang awards night sa Dubai, United Arab Emirates.

Bakas sa ngiti ni Kylie ang saya na nadarama sa karangalang muling kumatawan sa Pilipinas kasabay ng pagbanggit sa kaniyang caption na ito ay “dream come true”.

Ang “The Housemaid” ay ipinalabas noong taong 2021 kung saan nakasama ni Kylie ang iba pang mga beteranong aktor sa larangan ng pelikulang Pilipino kabilang na sina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Alma Moreno, Louise Delos Reyes, at Elia Ilano.