-- Advertisements --

Inamin ni Kylie Padilla na may nagpapasaya nang muli sa kanyang puso. Ito ay matapos siyang tanunging ng isang vlogger kung sino raw ba ang kasama niya sa mall na umani ng samu’t saring espekulasyon. 

Agad naman itong sinagot ng aktres na iyon daw ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon. Kinilala ng netizens ang lalaki na si Jinno John Simon, isang tattoo artist.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama ang dalawa dahil nitong bagong taon lang ay nag-post si Kylie sa kanyang social media na magkasama nilang ipinagdiwang ang pagbubukas ng 2024.

Matatandaan na noong 2021 ay nag-break ang mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Taong 2023 naman ay inamin ni Aljur sa isang panayam na nag-cheat siya sa asawa niya at ilang buwan matapaos nito ay kinumpirma naman niya ang relasyon niya sa aktres na si AJ Raval.