-- Advertisements --

Pinakilala ng reality actress Kylie Jenner ang pangalan ng anak nito kay Travis Scott.

Sa kaniyang social media nagpost ito ng larawan ng anak na si “Aire” Jenner.

Ibinigay pa nito ang tamang pagbigkas na “air” gaya ng billionaires.

Noong Pebrero ay sinabi ng mag-asawa na kanilang ipapangalan ang anak bilang “Wolf Webster” at kanila itong pinalitan dahil sa hindi aniya ito angkop.

-- Advertisement --

May unang anak na ang dalawa na si Stormi Webster na nasa edad 4 na ngayon.