-- Advertisements --
Umaasa ang tv-host actress na tuluyan na itong gumaling matapos na nakahanap ito ng bagong doctor na susuri sa kaniyang karamdaman.
Sa social media nito ay nagpost ito ng larawan kasama ang bagong doctor nito.
Naghintay pa umano ito ng mahigit tatlong buwan para makaharap ng personal at magkaroon ng konsultasyon sa nasabing doctor.
Hindi na pinangalanan pa ni Kris ang doctor at tiiwala siya na ito ay tuluyang gagaling.
Magugunitang nasa US ang actress para ipagamot ang kaniyang kakaibang sakit na immunodisease.