-- Advertisements --

“I refuse to die.”

Iyan ang tahasang sinabi ni Kris Aquino sa gitna ng mga sakit na kanyang nararamdaman.

Kasabay ng kanyang ika-53 na kaarawan, ibinunyag ng TV host na may ikalima siyang autoimmune disease at importante ang susunod na anim na buwan sa kanyang buhay. Susubukan kasi sa kanyang katawan ang isang gamot na kung hindi tumalab ay maaari umanong maging sanhi ng cardiac arrest.

Sa isang panayam, sinagot ni Kris ang tanong kung bakit hindi siya gumagaling kaagad sa kabila ng mga gamutan na isinasagawa sa kanya. Pagbubunyag niya, marami umanong gamot ang bawsal sa kanya kabilang na ang antibiotics at paracetamol. Nagkakaroon daw kasi ang mga ito ng side effects sa katawan niya.

Dagdag niya pa, mabibilang lang daw sa kamay ang gamot na pwede sa kanya. Dahil dito, nanawagan si Kris sa publiko na ipagdasal siya dahil gusto niya pang humaba ang kaniyang buhay para makapiling ang kaniyang mga anak.