-- Advertisements --

Ibinahagi ng tv host/ actress Kris Aquino ang pagpasyal nila ng kaniyang mga anak sa Disneyland sa US.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ang actress kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby habang nasa nabanggit na theme park.

Sinabi ni Kris na tinupad lamang niya ang naging pangako niya sa anak nitong si Josh.

Magugunitang nasa US ang tv host actress dahi sa nagpapagamot ito ng kaniyang sakit na autoimmune disease.

Pinasalamatan nito ang mga fans na nagdasal sa para sa kaniyang kaligtasan at agarang paggaling.