-- Advertisements --
Isinilang na ni reality tv star Kourtney Kardashian ang unang anak nila ng Blink 182 drummer na si Travis Barker.
Una ng inanunsiyo ng 44-anyos na si Kardashian ang kaniyang pagbubuntis noong Hunyo sa concert ng Blink 182 kung saan tumutugtog ang 47-anyos na si Barker.
Taong 2022 ng ikinasal ang dalawa sa Italy.
Noong Setyembre din ay itinakbo sa pagamutan si Kardashian at sumailalim sa “fetal surgery” para mailigtas ang buhay ng anak.










