Bukas ang Malacañang na rebyuhin ang kontrata sa P10 billion Sangley Point International Airport project sa Cavite na nakuha na umano ng China Communications Construction Company.
Pahayag ito ng Malacañang matapos magreklamo ang ibang kompaniyang minadali ang selection process para agad na mai-award ang kontrata sa kompaniya ng China.
Sinabi Presidential Spokesman Salvador Panelo, noon pa man ay palaging bukas ang administrasyon sa anumang reklamo.
Ayon kay Sec. Panelo, katunayan ay mismong si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang humihimok sa taongbayang magreklamo o maging assertive lalo na kung inaapi.
Kung valid umano ang reklamo ng ibang kompaniya, mas makabubuting maghain o magsumite ng reklamo sa Malacañang.
Kabilang sa mga bidder sa Sangley airport ang Metro Paficic Investment Corporation na pinamumunuan ni Manny Pangilinan at Prime Asset Venture na pagmamay-ari ng bilyornayong si dating Sen. Manny Villar.
“Of course. You must remember that this government has always been open to any complaint. In fact, we encouraged people to complain so taht we will know what the anomalies there are. If they have valid complaint, why not? They should,” ani Sec. Panelo.