Ibinasura ng korte ang $400 milyon na defamation case ni Justin Baldoni laban sa mag-asawang sina Ryan Reynolds at Blake Lively.
Nagbunsod ang reklamo noong Enero ng kasuhan ni Baldoni ang Hollywood couples dahil umano sa paninira sa karera nito matapos na nakawin ang pelikula nitong “It Ends With Us’.
Sinabi ng mga abogado ng actress na si Esra Hudson at Mike Gottlieb na ang nasabing pagbasura ay maituturing nilang panalo.
Pinuri nila ang korte dahil sa nakita nila ang katotohanan at alam nila kung sino ang nagsasabi ng katotohanan.
Maging ang libel case na isinampa ni Baldoni sa New York Times na nagkakahalaga ng $250-milyon ay ibinasura rin ng korte.
Magugunitang noong Disyembre ng nakaraang taon ay nagsampa ng kasong civil rights ang actress dahil umano siya ay inabusong sekswal ni Baldoni sa pamamagitan ng hindi tamang pagtrato sa set ng pelikula.