-- Advertisements --

Kinikilala ng Malacañang ang mga kontribusyon ni Vice President Leni Robredo sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, si VP Robredo ay tumutulong sa kanyang sariling paraan at tapat ang kanyang intensyon kaya hindi na aniya kailangan pang italaga sa Inter-agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay kasunod na rin ng sinabi ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na dapat ipabilang sa IATF ang bise presidente.

Magugunitang kinuwestyon din ng dating senador ang naging pahayag ng tagapagsalita ng Malacañang noong sabihin nito na kung maaaring magbigay ng solusyon si VP Leni.

Inihayag ni Sec. Roque na mayroong ispesipikong tanong siyang sinasagot sa pahayag niyang ito at nakakalungkot na ginawan pa ito ng isyu ng senador.