-- Advertisements --

Isa pang kongresista ang nagbawi ng kanyang suporta sa pagbibigay ng prangkisa sa media giant na ABS-CBN.

Sa pagdinig ng House committee on legislative franchises at good government and public accountability nitong hapon, binawi ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Paduano ang kanyang co-authorship sa House Bill No. 3173, na naglalayong bigyan ng 25-taon prangkisa ang ABS-CBN.

Iginiit ni Paduano na naging “eye-opener” hindi lamang para sa kanya at iba pang mga mambabatas kundi maging sa publiko ang nagdaang 12 padinig kung saan natalakay ang iba’t ibang issue na ipinupukol sa ABS-CBN.

“Though it is hard for me, I came to the conclusion that I am withdrawing my co-authorship of House Bill 3713 that aims to grant the renewal of the franchise of ABS-CBN,” ani Paduano.

Humingi ng paumanhin si Paduano kay Parañaque City Rep. Joy Tambunting, ang pangunahing may-akda ng House Bill No.3173, at maging sa mga opisyal ng Lopez-led broadcast company.