Hindi nagpahuli ang mga Filipino basketball fans na tunghayan ang pagpapakilala sa publiko ng rebolto ni Los Angeles Lakers legend at five-time NBA champion Kobe Bryant.

Ang 19 talampakan na bronze statue ay nakadisplay sa labas ng Crypto.com arena ang homecourt ng Lakers.

Tinaguriang Mamba day ang nasabing pagpapakita sa publiko ng rebolto ni Bryant.

Makikita na nakasuot ng Lakers jersey number 8 ito habang nakaturo ang daliri sa taas.

Kinuha ang nasabing tayo nito ng magtala siya ng makasaysayang 81-points.

Mahigit apat na taon ng bumagsak ang sinasakyan ni Bryant na helicopter kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.