-- Advertisements --
Kinumpirma ng Buckingham Palace ang personal na pagbisita ni King Charles sa White House.
Ayon sa Buckingham Palze na kasama ni King Charles si Queen Camilla na sila ay babiyahe sa Atlantic.
Isasabay nila ang pagbisita sa ika 250th anibersaryo ng American Independence.
May ilang mga mambabatas naman sa United Kingdom ang kumukuwestiyon na dapat ba ay ituloy ni King Charles ang pagbisita o kanselahin na dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Ang pagbisita ni King Charles sa US sa buwan ng Abril ay matapos ang makailang ulit na binatikos ni US President Donald Trump ang gobyerno ng UN dahil sa hindi pagtulong sa giyera sa Iran.
















