-- Advertisements --

Sa isang address sa U.S. Congress, muling pinagtibay ni Britain King Charles III ang alyansa ng United Kingdom at Estados Unidos na “more important than ever.”

Hindi rin aniya kayang harapin ng iisang bansa lamang ang mga suliraning kinakaharap ng mundo.

Ipinahayag din ng Hari ang “highest regard and friendship” ng U.K. sa U.S., at binalikan ang makasaysayang talumpati ng kanyang ina na si Queen Elizabeth II sa parehong address noong 1991.

Nakasentro ang address ni King Charles III sa pinagsamang British humor, kasaysayan, at pananaw sa mga hinaharap na problema ng mundo na madalas sinasabayan ng palakpakan at standing ovation mula sa mga mambabatas.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, sinabi ni King Charles na “America’s words carry weight and meaning,” na nagdulot ng halo-halong reaksyon mula sa mga audience.

Bago ang talumpati, nagkaroon din ng pagpupulong ang Hari kay U.S. President Donald Trump sa Oval Office, kasunod ng pagdating ng royal couple sa White House para sa kanilang state visit.

Mainit na tinanggap sina King Charles at Queen Camilla sa isang seremonya kung saan nakitang nagkamay at nagngitian ang mga opisyal ng dalawang bansa.