-- Advertisements --

Kinumpirma ni Xian Lim na nasa mabuting kalagayan na ang girlfriend at kapwa artistang si Kim Chiu na nakagat ng aso sa bahagi ng Taguig kahapon.

“She’s okay now ❤️ @chinitaprincess” ang caption ng 30-year-old actor sa larawan habang nasa ospital kasama si Chiu at tatlong non-showbiz companions.

Ayon sa 29-year-old actress, may pagkakamali rin siya kaya nakagat ng naturang aso pero pinayuhan din nito ang mga pet owners.

Kim vs dog bite

Nabatid na agad ding nagpaturok ng anti-rabies shots si Kim sa ospital.