Pumanaw na ang sikat na perfume at fashion designer na si Paco Rabanne sa edad na 88.
Kinumpirma ito ng kaniyang parent company na Puig kung saan nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay sa France.
Sumikat si Rabanne dahil sa kaniyang eccentric clothing designs.
Isang sundalo ang ama ni Rabanne na pinatay noong 1936 sa kasagsagan ng Spanish Civil War.
Ang ina nito ay nagtatrabaho bilang mananahi sa designer na si Cristobal Balenciaga na noong 1939 ay lumipat sila sa France.
Nag-aral bilang architech si Rabanne sa l’École Nationale des Beaux-Arts kung saan kumikita ito sa pamamagitan ng pag-drawing ng mga fashioin sketches.
Matapos na ito ay magtrabaho sa construction industry ay inilunsad niya ang kaniyang fashion career na nagdedesenyo ng mga alahas sa Givenchy, Dior at Balenciaga.