Pumanaw na ang Apollo astronaut na si Thomas Kenneth Mattingly sa edad na 87.

Ayon sa NASA nakilala siya ng tulungan ang mga crew ng Apollo 13 para ligtas na makabalik sa mundo matapos ang pagsabog sa ginawa nilang lunar mission.

Sinabi ni NASA Administrator Bill Nelson na labis makikilala si Mattingly sa buong kasaysayan ng space exlporation.

Isinilang sa Chicago noong Marso 17, 1936 at nagtapos ng high school sa Miami bago kumuha ng degree sa Aeronautical Engineering sa Auburn University nong 1958.

Nagbigay siya ng real-time decision para matagumpay na maibalik ang nasirang spacecraft at crew ng Apollo 13 na kinabibilangan ng mga NASA astronauts na sina James Lovell, Jack Swigert, at Fred Haise.