-- Advertisements --

Natutunan na umanong tanggapin ni Maria Kristina Cassandra o “KC” Concepcion, ang hindi nito pagkakaroon ng pangkaraniwang “Asian, stick-thin body.”

Pahayag ito ng 35-year-old Megastar daughter kasabay ng pagiging aktibo muli sa online world.

Nawala kasi ito sa limelight sa loob ng tatlong taon kung saan daw siya dumanas ng panliliit sa sarili dahil sa mga kritiko ng kanyang “curvy” body.

Pero sa gitna aniya ng coronavirus pandemic, napagtanto rin nito na pinipili niya ang pagkakaroon ng tinawag nitong “Portuguese curves” kaysa magkaroon ng eating disorder kung pipiliting pumayat.

Ayon pa sa TV host actress, sana ay magsilbi siyang inspirasyon para sa iba pang kababaihan na pareho niyang may Latina curves o yaong may mas malalaking balakang, bewang at dibdib.

https://www.instagram.com/p/CDfMwgdHyxl/

Wala pa namang “say” ang anak ni Sharon Cuneta hinggil sa pagkaka-link sa Fil-Am rapper na si Apl.de.ap.