-- Advertisements --
Duguang bumagsak sa sahig ang dating NBA most valuable player (MVP) na si Kawhi Leonard, matapos tamaan ng siko ng kaniyang teammate na si Serge Ibaka.
Nangyari ito sa laro ng kanilang kuponan na LA Clippers kontra sa Denver Nuggets.
Sa krusyal na bahagi ng fourt quarter, aksidenteng tinamaan ni Ibaka ang mukha ni Leonard.
Dahil sa insidente, inilabas na sa laro ang NBA superstar para sumailalim sa medical checkup.
Nag-ambag si Kawhi ng 21 points at 7-assists, 5-rebounds para sa panalo ng Clippers kontra sa Nuggets, 108-97.