Inihayag ng Philippine Ports Authority na malapit nang matapos ang konstraksyon ng kauna-unahang K9 Academy sa Southeast Asia.
Ito ay proyekto rin ng Philippine Coast Guard na matatagpuan sa Brgy Dolores, Sitio Bana, Mabalacat, Pampanga.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago nasa 75% na ang natatapos simula ng magkaroon ng groundbreaking noong August 2021.
Aniya , nagkaroon man ng kaunting pagkaantala dahil sa pandemya pero ngayong at tuloy-tuloy na ang konstruksyon nito.
Paliwanag ni Santiago, malaki ang magiging ambag ng proyektong ito sa aspetong pang seguridad.
Kabilang na ang apprehension sa mga narcotics, pampasabog at agricultural smuggling.
Ang K9 Academy ay may kakayahang magbigay ng lahat ng kalidad na pagsasanay, mga techniques , at pinakamahusay na kasanayan para sa mga skills ng mga aso, breeding , maintenance , at veterinary care.
Sa kasalukuyan, aabot pa lamang sa mahigit limang daan ang kabuuang bilang ng mga K9 Units sa buong bansa.