CENTRAL MINDANAO- Inaresto ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril sa isang katulong sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Analyn Canoog,38 anyos,dalaga at housekeeper.
Itinurong suspek ay si Eleazar Italya Sequiño Jr. alyas Jun-Jun Sequiño,na kapwa mga residente Sitio Dimaampao Barangay Rangayen Alamada Cotabato.
Ayon kay Alamada Chief of Police Major Bryan Espinosa na nagtalo umano ang biktima at suspek sa lupa ng kanilang sinasaka.
Dahil sa galit Sequiño ay pinagbabaril ang biktima gamit ang 12 guage shotgun dahilan ng kanyang pagkasawi.
Sinunog rin umano ng suspek ang dalawang motorsiklo na nakaparada malapit sa bahay ng biktima.
Agad naglunsad ng follow-up operation ang Alamada PNP at naaresto ang suspek.
Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Alamada MPS at sasampahan ng kasong murder.