Ibinahagi ni Kathryn Bernardo na “okay” at “healed” na siya ngayon kasunod ng break-up nila Daniel Padilla noong November 2023.
Sa isang panayam, sinabi ng aktres na may mga kailangan daw siyang maranasang proseso at pighati ngunit sinisiguro niyang hindi naaapektuhan ang kaniyang trabaho.
Nilinaw rin nito na ayaw niyang maging “biktima” ang tingin sa kaniya ng publiko dahil sa nangyaring breakup.
Ibinahagi rin ni Bernardo na ilan sa mga naging coping mechanism niya para mag-heal ay ang pagiging busy at pag-focus sa mga biyayang patuloy niyang natatanggap.
Sinabi rin ng Box-Office Queen na kapag nagpapatawad daw siya ay hindi nangangahulugan na puwede pa itong bumalik sa kaniyang buhay.
Nagpapatawad daw siya sa mga taong deserving lang nito at ginagawa niya ito sa para sa kaniyang peace of mind at clarity.