Nasa walong opisyal ng Barangay Muzon sa San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan ang naharaharap ngayon Office of the Ombudsman para sa reklamong paglabag sa mga probisyon sa Republic Act 11469 o mas kilala bilang Bayanihan to Heal As One Act bukod pa sa alegasyon ng graft and corruption.
Kinilala ang mga nasabing opisyal ng isang anti-corruption watchdog group na Pinoy Aksyon na sina Brgy. Capt. Marciano Gatchalian at ang pitong kagawad nito na sila Dionisio Aue, Edgar Celis, Angelito Sarmiento, Elizabeth Valerio, Erick Ignacio, Rustico Gatchalian at Nomeriano Gojo Cruz
Base sa letter of complaint ni Bencyrus G. Ellorin ng Pinoy Aksyon noong June 1, 2020 ay nakatanggap ng liham si SJDM Mayor Arthur Robes mula kay Norberto S. Murillo, president ng Homeowners Association (HOA) ng Marigold Subdivision at sinasaad sa nasabing liham ang posibleng anomalya na magaganap sa pagbibigay ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nabanggit na subdivision.
Tinukoy ni Murillo ang isang Ruth Bautista, HOA board member na may kinalaman sa maanomalyang pagpoproseso ng SAP form.
Sinasaad pa sa liham ni Murillo na si Bautista na tumatayong public relations officer (PRO) ng HOA ay hindi binigyan ng kapangyarihan o itinalagang HOA na obligahin at utusan ang mga tao na mag-fill up o sulatan ang kanilang SAP form sa kanyang bahay.
Ito ay isang tahasang pambabastos umano sa buong HOA dahil sa pagdedesisyon niyang sarili. Maliwanag sa tagubilin ng DSWD na ang SAP form ay ipamimigay sa bahay bahay upang walang makaligtaan.
Sakali man na ayaw ni Bautista na magbahay-bahay ay maari naman niyang sabihan ang mga tao na pumunta sa itinayong tent malapit sa Gate 2 ng Marigold Subdivision upang doon sulatan ang form at maobserbahan din ang social distancing.
Isang pang Lucena Lucy Aguiflor ang itinuturong may kaugnayan din sa maanomalyang pagpoproseso ng SAP form at hindi nakipag-ugnayan sa HOA Board.
Samantala, 70 residente mula sa nabanggit na subdivision ang nagreklamo sa HOA Board noong unang linggo ng Mayo na hindi sila nakatanggap ni isa mang sentimo mula sa SAP.
Dahil ditto ay hiniling ni Murillo sa kanyang liham kay Mayor Robes na imbestigahan kung ano ang nangyari sa SAP funds na nauukol sa mga residente Marigold Subdivision at kung saan na napunta ang pondo.
Natuklasan pa na apat sa recipients ng ikalawang bigayan ng SAP ay nagmula sa isang pamilya.
Nakilala ang mga recipients na sina Gil San Jose, Glenn San Jose, Liza San Jose at Mark Bryan San Jose na iisa ang apelyido Ito ay paglabag din sa Sec. 4 (c) ng BAHO Act na nagsasaad na na ang minimum na halagang P5,000 hanggang sa maximum na halagang P8,000 ay dapat namaibigay sa low income household at hindi sa bawat miyembro ng household o indibidwal.
Samantala, nabatid na ang pangyayari sa Mangold Subdivision ay nangyari rin sa isa pang subdivision sa Brgy. Muzon partikular sa Alpas Homes.
Natuklaan na mayroong 15 pangyayari ng double entries sa listahan ng SAP recipients.
Nakapagtataka umano kung hindi man kapani-paniwala na ang panlolokong ito ni Bautista at ni Aguifior at sa mga gumawa ng anomalya sa Alpas Hermes ay hindi napansin o makalagpas sa kaalaman ng mga opisyal ng Brgy. Muzon. Maaaring ang mga opisyal ng barangay na ito ay nagpabaya sa kanilang tungkulin nakipagsabwatan kay Bautista at kasama nito.
Dahil dito ay hiniling din ng Pinoy Aksyon sa Ombudsman na isailalim sa lifestyle check si Muzon Brgy. Capt. Marciano Gatchalian upang malaman kung ang kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ay tutugma sa pamamaraan ng kanyang pamumuhay. Mayroong mga ulat n hindi nagdeklara ng kanyang totoong assets ang nabanggit na kapitan.
Base sa mga inilagatag na ulat, ebidensiya m dokumento ng Pinoy Aksyon ay nanawagan ito ng komprehensibong imbestigasyon laban sa mga opisyal ng Brgy. Muzon at papanagutin sa mga naganap na anomalya na sakop mismo ng kanilang barangay.