-- Advertisements --

Karagdagang mahigit 1.2 million doses pa ng COVID-19 vaccines ng Moderna ang dumating sa Pilipinas.

Pasado alas-10:00 ng umaga nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 1,233,300 doses ng Moderna COVID-19 vaccines lulan ng China Airlines Flight CI703.

Sa naturang bilang, 863,800 ang mapupunta sa pamahalaan habang 369,500 doses naman sa private sector.

Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., bahagi ng mga dumating na Moderna COVID-19 vaccines ngayong araw ay ipapadala sa Regions 3, 4A, 7, 11, 12, at iba pang lungsod na vulnerable sa COVID-19 at nakakaranas ng surge sa mga kaso.

Sa ngayon, kabuuang 71.3 million COVID-19 vaccine doses na ang dumating sa Pilipinas, kung saan 45.2 million shots ang naituturok na.

Sinabi ni Galvez na 21 million na ang fully vaccinated na Pilipinas.