Nagsalita na ang kampo ng actress na si Alex Gonzaga sa nagviral na video sa social media ng pagpapahid niya ng icing ng cake sa isang waiter.
Umani kasi ng mga negatibong komento ang video ng pagdiriwang ng actress ng kaniyang ika-35 na kaarawan na ginanap sa isang restaurant sa lungsod ng Makati nitong Enero 15.
Ayon kay Peter Ledesma ang publicist ng actress na kilala ng ina ng actress na si Pinty Gonzaga ang waiter na nasa video.
Ang nasabing waiter na si Allan aniya ay galing sa Florabel Resto and Catering Service sa Valle Verde sa Pasig na siya laging kinukuhang catering service ng pamilaya Gonzaga at pamilya ng asawa ni Toni na si Paul Soriano.
Palagi aniya nito ng kabiruan ang waiter dahil umano sa suki na nila ito.
Pinabulaanan din ni Ledesma ang paratang ng mga netizens na nakainom umano ang actress kaya nagawa niya ang nasabing bagay.










