Prayoridad ng Kamara sa bagbubukas ulit ng kanilang sesyon ang pagratipika sa P5.024-trillion national budget para sa 2022, ayon kay Speaker Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Velasco na nakatuon ang panukalang pondo para sa sususnod na taon sa full recovery ng Pilipinas mula sa epekto ng COVID-19 crisis.
Target aniya nilang maipadala ito sa Office of the President bago pa man matapos ang 2021.
Ikinalugod naman ni Velasco ang pagtitiyak ng liderato ng Senado na hindi magkakaroon ng reenacted budget sa susunod na taon.
Setyembre 30 nang aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang proposed P5.024-trillion national budget para sa 2022.
Oktubre 25 naman nang maisumite ng Kamara sa Senado ang proposed budget bill.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na target ng mataas na kapulungan na maaprubahan ang proposed 2022 national budget sa unang linggo ng Disyembre.










