-- Advertisements --

Nakatakda ilabas ngayong linggo ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Agriculture and Food ang resulta ng kanilang imbestigasyon kaugnay sa unauthorized importation ng asukal o ang sa Sugar Order No. 4, partikular na ang kasong irerekomenda nilang isampa laban kina dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica.

Batay sa House Resolution 259 na inihain ni Minority Leader Marcelino Libanan layoon nito para silipin ang mga isyu sa SO4 ang ang tangkang pagpupuslit ng asukal sa bansa.

Ayon naman kay Rep. Rida Robes, Chairman ng Committee on Good Government Committee and Accountability lumabas sa isinagawa nilang imbestigasyon na wala talagang otorisasyon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siyang namumuno rin ngayon sa Department of Agriculture ang naturang pag-aangkat ng asukal.

Sinabi ni Robes, lumitaw na mula sa dalawa kina Sebastian at Serafica na sila lamang ang nag-uusap at may pagkakamali sa proseso at polisiya ang ginawa ng dalawang opisyal.

Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi naman ni Rep. Mark Enverga, Chair ng Cttee on Agriculture and Food, na ibabase pa rin nila ang kanilang rekomendasyon batay sa kung ano ang lumabas sa kanilang sariling pagdinig.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na kasuhan sina Sebastian at Serafica.