-- Advertisements --
Kasalukuyang naka-lockdown ang mababang kapulungan ng Kongreso para maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, paraan na rin ito upang sa gayon ay matiyak ang kaligtasan ng mga mambabatas pati na rin ng house secretariat at iba pang mga empleyado ng Kamara.
Sa susunod na linggo na aniya magbabalik sa normal ang operasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Magkakaroon din kasi muna sa ngayon ng disinfection sa lahat ng gusali sa Batasan habang naka-lockdown.










