-- Advertisements --

Tinanggal na ng China ang naka-display na giant rabbit lantern matapos na makatanggap ng pangungutya.

Ang nasabing lantern ay matatagpuan sa Sanxia Square sa Chongqing city na inilagay bilang bahagi ng pagdiriwang nila ng Chinese New Year.

Mula ng kumalat ito sa social media ay umani ito ng batikos dahil sa kakaibang hitsura nito.

Ilan sa mga reaction mula sa social media ay nagsabing ang nasabing rabbit ay malayo ang pagmumukha nito kumpara sa tunay na rabbit.

Ang taong 2023 kasi Year of the Rabbit ng Chinese calendar.

Magugunitang umani rin ng batikos ang inilabas na special stamp para sa Year of the Rabbit na ito ay hawak na ballpen na kulay pula ang mata.

Maraming nagsabi na ang nasabing rabbit sa stamp ay nakakatakot.