DAVAO CITY – Naka-full alert status ngayon ang Police Regional Office (PRO-11) kasabay ng isasagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.
Ayon kay Major General Jason Baria, tagapagsalita ng PRO-11, kahit na sa Maynila isasagawa ang ikaapat na SONA ng Pangulo, magpapatupad pa rin sila ng mahigpit na seguridad lalo na at aasahan ang mga grupong magsasagawa ng kilos protesta.
Nilinaw ng opisyal na malaya ang kahit na sinuman na magpahayag ng kanilang saloobin ngunit kailangan na may permit ang mga ito at iwasan ang pagsasagawa ng kagulohan.
Maximum tolerance naman ang ipapatupad ng kapulisan sa mga grupo na magsasagawa ng rally ngayong araw.
Kung maaalala una nang sinabi nina Vice Mayor Baste Duterte at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Car