-- Advertisements --
Napilitang itiginil ni Justin Timberlake ang kaniyang concert para tulungan ang isa nitong fan.
Habang kumakanta ang singer sa Moody Center ng University of Texas ay nakita nito ang isalng lalaki na kailangan ng medical attention.
Tinawagan nito ang mga concert organizers na ilawan ito.
Sinuri ito ng ilang staff ng organizers at hindi na dinala sa pagamutan.
Magugunitang ilang mga celebrities gaya nina Adam Sandler, Louis Tomlinson, John Mayer at Taylor Swift ang kinailangan na itigil ang show para bigyang atensiyon ang fan.