-- Advertisements --

Mismong kapatid at anak umano ni April Boy Regino ang nag-anunsyo na sumakabilang-buhay na ang OPM (Original Pilipino Music) legend.

Ito’y sa pamamagitan daw ng Facebook post ng anak na si JC Regino at kapatid na si Vingo Regino kung saan pumanaw si April Boy sa edad na 51.

Hindi pa naman nabanggit ang dahilan ng pagpanaw ng music icon.

April Boy dies

Kabilang sa hit songs ng namayapang ’90s Jukebox King ay ang “‘Di ko kayang tanggapin,” “Umiiyak ang Puso,” “Paano ang puso ko,” at marami pang iba.

Una nang na-diagnose si April Boy na mayroong prostate cancer ngunit gumaling noong 2013.

Gayunman, dinapuan siya ng congestive heart failure kung saan nahirapan daw siyang huminga hanggang sa naging “Bedridden” matapos ma-confine sa ospital ng dalawang araw.

Sunod na naging sakit nito ay ang diabetes, dahilan para mabulag ang kanyang kaliwang mata ngunit unti-unti ay nagamot din noong sumailalim sa medication.