-- Advertisements --
Inilibing na sa Rosario, Batangas ang singer na si Jovit Baldovino.
Napuno ng mga fans at kaibigan ng singer ang paligid ng sementeryo kung saan inilibing ito.
Labis ang pagdadalamahti ng maybahay ng singer si Camille Ann Miguel na hawak ang larawan ng namayapang asawa.
Labis naman ang pasalamat ng ina ng singer na si Christita dahil sa mainit na pagsuporta sa anak hanggang sa kamatayan nito.
Magugunitang pumanaw ang 29-anyos na singer nitong Disyembre 9 dahil sa acute cerebrovascular disease.