-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinagawa ang coordination conference ng AFP bilang paghahanda sa ipapatupad na seguridad sa inagurasyon ni incoming Vice President Sara Duterte sa June 19, 2022 dito sa lungsod ng Dabaw.

Pinangunahan ang naturang conference ni Joint Task Force Agila (JTF AGILA) Commander MGen Nolasco Mempin sa Headquarters sa Eastern Mindanao Command (HEMC) Panacan, Davao City.

Inihayag ni MGen Mempin na seguradong dadagsa ang maraming mga supporters ni VP elect Sara Duterte na hindi lamang magmumula sa ibat-ibang bahagi ng Davao region kung hindi pati na sa mga personalidad na nagmula pa sa LUzon at Visayas.

Dagdag pa ni Mempin na hindi lamang isang ordinaryong VP security operation ang kanilang ipapatupad kung hindi ito umano ay magsisilbing test at pagpapakita sa ipinagmamalaki ng Davao City na “Culture of Security”, pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat.

Magpapakalat umano ang JTF AGila ng maraming mga pwersa, mga equipment at iba pang mga assets kung kinakailangan.

Dinaluhan ang coordinaiton conference ni Eastern Mindanao command Deputy Commander and Joint Task Force Haribon Commander BGen Potenciano Camba, 1003rd Brigade Commander BGen Consolito P Yecla, Unified Staff ng Eastern mindnaao command sa pagngunguna ni Colonel Nasser P Lidasan, Task Force Davao Deputy Commander Muhamad Yusop Hasan, JTF Agila TRIAD staff, TF Samal Commander Col Jeffrey Cabansay, at iba pang mga units sa ialalom ng Eastern Mindanao Command.