-- Advertisements --

Kinumpirma na ng actor na si John Lloyd Cruz na mayroon itong relasyon sa artis-illustrator na si Isabel Santos.

Kuwento nito na nagkakilala silang dalawa ng nakabisita ito sa gallery.

Paglilinaw niya na matagal na silang magkakilala at lalong lumalim lamang noong pansamantalang huminto ang actor sa paggawa ng mga pelikula.

Sa ngayon aniya ay hindi pa gaano pinag-uusapan ang pag-iisang dibdib nila.

Magugunitang kumalat ang nasabing usapin ng pagkakarelasyon ng dalawa dahil sa madalas silang makitang laging magkasama.