-- Advertisements --

Nagtapos na may 30 points at 15 rebounds si Joel Embiid sa panalo ng Philadelphia 76ers kontra Chicago Bulls, 114-105.

Tinapatan naman ni Furkan Korkmaz ang kanyang career high sa nagawang pitong 3-points at nagdagdag ng 25 points habang si Shake Milton ay tumipa ng 13 para sa Sixers, na mayroon nang anim na magkakasunod na panalo.

Ito na rin ang 1,000th career victory naman ni head coach Doc Rivers kahit hindi nakapaglaro kanina sina Ben Simmons, Danny Green, Tobias Harris, Matisse Thybulle at Isaiah Joe.

Nagdagdag naman sina Georges Niang ng 12 points habang si Seth Curry ay may 11 at tig-10 sina Tyrese Maxey at Paul Reed.

Nanguna para sa Bulls si Zach LaVine na may 32 points at siyam na rebounds, habang si DeMar DeRozan ay kumamada ng 25 points.