-- Advertisements --

Muling nakasungkit ng best acting award sa ibang bansa si Joaquin Domagoso.

Nakuha niya ang award sa Boden International Film Festival (BIFF) 2022 na ginanap sa Sweden para sa pelikula niyang “That Boy In The Dark”.

Kasama rin nito ng nagwagi bilang Best Feature Film Director Award sa pamamagitan ni Director Adolf Alix Jr.

Ito na ang pangatlong award na nakuha ng actor dahil sa nasabing pelikula.

Unang nakakuha ng award ay sa 16th Toronto Film and Script Awards sa Toronto, Canada noong Nobyembre 23, 2022 at pangalawa ay sa Five Continents International Film Festival 2022 na isang online festival sa Venezuela nitong Disyembre 23, 2022.