Inamin ni LJ Moreno na hindi agad ito naniwala na tuluyan na siyang nakunan o dumanas ng miscarriage sa pang-apat sana nilang tsikiting ng basketball star husband na si Jimmy Alapag.
Ayon sa 39-year-old actress-TV host, talagang walang heartbeat ang nasa sinapupunan nito noong pangalawang checkup pero tinapat ng kanyang doktor na ito ay posibleng dahil sa kanyang myoma.
“At the end of the day we pray and we trust God. God has a plan for all this. If you guys are going through anything, you may not understand it now, but don’t lose the faith,” saad ni Moreno-Alapag sa video blog.
Sa panig ng dating Gilas Pilipinas captain, kinakaya naman daw ng celebrity wife ang sitwasyon pero naging mahirap lang ay ang pagsasabi nito sa kanilang tatlong anak.
Kapwa nananalig raw sila ni LJ o Lari Jeanne sa tunay na buhay, na mayroon plano ang Diyos sa kanilang pamilya lalo na kung bibiyayaan pa sila ng isang anak.