-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Jessy Mendiola na isinilang na nito ang anak nila ng TV host na si Lucky Manzano.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng kamay na anak na pinangalanang si Isabella Rose.

Sa huling linggo umano ng Disyembre ito nanganak subalit hindi nagbigay pa ng ibang mga detalye.

Magugunitang noong Agosto 2022 ng ianunsiyo ng 41-anyos na actor na nagdadalang tao ang 30-anyos na asawang actress.

Ikinasal ang dalawa noong Pebrero 2021 sa isang garden wedding.