-- Advertisements --
Bahagyang ipinasilip ng actress na si Jessy Mendiola ang larawan ng bagong silang na anak nila ni Luis Manzano.
Sa kaniyang social media ay makikita ang bahagyang larawan na mukha ng anak ng celebrity couple.
May caption na pagpapakita kung gaano nila ito kamahal ng dalawa ang kanilang little rosie.
Magugunitang maraming mga fans ng dalawa ang sabik na makita ang mukha ng bagong silang ng anak nila.
Ikinasal ang dalawa noong Pebrero 2021 sa isang garden wedding.