-- Advertisements --
Masayang ipinakilala sa publiko ng actress na si Janella Salvador ang anak nila ni Markus Paterson.
Sa kaniyang social media, ipinakilala ng celebrity couple ang anak nilang pinangalanang Baby Jude.
Sa nasabing vlog na makikita na isinilang ng actress ang anak noong Oktubre 20, 2020.
Magugunitang noong Pebrero 29, 2020 ng sumailalim sa ultrasound ang actress at sa Mayo 30 ay nalaman nila na lalaki ang anak nila.
Nasa United Kingdom ang 22-anyos na actress kasama ang nobyo kung saan sinasabing doon na rin ito nagsilang.
Noong Setyembre rin ng nakaraang taon ng ibinunyag ng dalawa ang kanilang relasyon.