-- Advertisements --

Nagpositibo sa dengue at urinary tract infection (UTI) ang actress na si Jane De Leon.

Sa kaniyang social media ay kinumpirma nito ang nasabing sakit.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga fans dahil sa hindi pagiging aktibo sa mga nagdaang araw.

Pinasalamatan niya ang mga fans sa pagdarasal para ito ay agarang gumaling.

Isinagawa ang nasabing anunsiyo isang linggo matapos ang pagdiriwang ng kaniyang ika-24 na kaarawan.