-- Advertisements --

Inamin ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte na mabigat ang kanyang loob sa pagdedeklara ng lockdown sa panahon ng Christmas at new year.

Ayon kay Conte ang pagpapatupad ng nationwide lockdown ay dahil sa kabado ang kanilang mga eksperto na lalala na naman ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, ang kanilang hakbang ay hindi umano madaling desisyon na dapat sana ay panahon nang pagsasaya o selebrasyon.

Ang pagsasailalim sa Italy sa “red-zone” restrictions sa panahon ng public holidays ay sumasakop sa mga non-essential shops, restaurants, at mga bars.

Papayagan lamang ang mga Italians na magbiyahe at lumabas para magtrabaho at kung may kinalaman sa health at emergency reasons.

Ang Italy ay ikawalo sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng coronavirus na umaabot na sa 1.9 million at mahigit naman sa 67,000 na ang mga namatay.