-- Advertisements --


Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na miyembro ng Northern Jihadist group ang magkapatid na Altero at Greg Carrieda na nakuhanan ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) flag sa Bagao, Cagayan.

Sinabi ni Albayalde, tila nagpapakilala pa lang ang grupo nina Carrieda na nais mangako ng suporta sa teroristang ISIS.

Binigyang-diin naman ng PNP chief na walang dapat ikaalarma dahil hindi naman ang mga ito kagaya sa mga local ISIS-inspired group na kumikilos sa Mindanao.

Sa ngayon, nasa validation process ang intelligence community ng PNP at Armed Forces of the Philippines para matukoy kung may mga ISIS Inspired groups ang nasa ibang lugar sa bansa partikular sa Cagayan.

Ibinunyag din ni Albayalde na ito ang kauna-unahang report na may narekober na ISIS flag sa labas ng Mindanao.

“Yes. This is the first time outside area of Mindanao although meron dito sa Metro Manila remember before pero doon sa PRO 2 AOR first time yan,” ani Police Gen. Albayalde.