Kinumpirma ng Pasay City police na isang hinihinalang improvised explosive device ang nadiskubre malapit sa Senado nitong umaga ng Lunes, Hulyo 27 sa gitna ng pagbubukas ng ikalawang regular session ng 20th Congress.
Ang pagkakadiskubre rin sa naturang IED ay nangyari ilang oras bago ang nakatakdang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mamayang alas-4:00 ng hapon.
Ayon sa report mula sa pulisya, isang towing service employee ang nakakita ng IED sa center island ng Diokno Boulevard pasado alas-8:00 ng umaga.
Ligtas namang na-nutralisa ng bomb disposal team ng Pasay City Police Station ang suspected IED.
Kabilang sa narekober sa lugar ang isang blasting cap, 9V battery, orasan at isang container kasama ang suspected explosive material.
Kasalukuyang iniimbestigan na ang naturang insidente.
















