-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tinupok ng apoy ang isang bahay sa barangay Bella Luz, San Mateo, Isabela .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Officer 1 Charmaigne Gabia ng BFP San Mateo ang may-ari ng bahay na tinupok ng apoy ay si Jimbo Balancio ng nasabing barangay .

Nang tumugon ang mga kasapi ng BFP San Mateo ay natupok na ang naturang bahay habang ang katabing bahay ay mayroon na ring bahaging nasunog.

Bigla na lamang umanong may nagliyab na apoy sa loob ng kuwarto kayat kaagad na lumabas sa bahay ang mga nakatira.

Lumabas sa pagsisiyasat ng BFP San Mateo na ang apoy ay nagmula sa linya ng kuryente o faulty wiring.

Mayroon na ring kalumaan ang nasabng bahay at gawa sa kahoy.

Tinatayang nasa Php100,000.00 ang halaga ng bahay at ilang kagamitang tinupok ng apoy.