-- Advertisements --

Bumuo ng isa pang tracker team ang National Capital Region Police Office upang lalo pang mapalakas ang ginagawang pagtugis kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag, kasama na ang kanyang dating deputy na si Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.

Ayon kay NCRPO Director, P/Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, magpapatuloy ang manhunt operation laban sa dalawang dating opisyal na ngayon ay mga pugante.

Maalalang nag-alok na dati ang Department of Justice ng dalawang milyong piso na pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Gen. Bantag.

Maliban dito, nasa isang milyong piso naman kay Zulueta ang alok para sa makakapagturo sa kinaroroonan ni Zulueta.

Ayon kay Gen. Nartalez, kailangang harapin ng dalawa ang kanilang pananagutan sa batas.

Ang dalawa ang itinuturong utak sa pagpatay sa mamamayahag na si Percy Lapid, at sa umano’y middleman na si Cristito Villamor-Palana.